Balita

BJMP official, sabit sa rape

- Fer Taboy

Nahaharap sa kasong panggagaha­sa ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) makaraang ireklamo ng isang dalaga sa Misamis Oriental noong 2017.

Nakilala ang suspek na si Jail Insp. Orson Garcia, na sinibak na sa puwesto matapos ireklamo ng isang 17-anyos na dalaga.

Paliwanag ni Supt. Jerry Tambis, hepe ng El Salvador City Police Office, pormal na naghain ng reklamo ang biktima sa Women’s and Children’s Protection Desk matapos umano itong tatlong beses na gahasain ng suspek na nagsimula noong nakaraang taon.

Nangyari ang insidente nang sumailalim ang biktima sa on-the job training, kasama ang dalawa pang kaklase, sa tanggapan ng BJMP-El Salvador City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines