Balita

Kelot binaril, dedo

- Liezle Basa Iñigo

BAGGAO, Cagayan - Tulala pa ang isang ginang nang barilin sa kanyang harapan ang kanyang mister sa Barangay San Miguel, Baggao, Cagayan nitong Biyernes ng gabi. Sa report ng Baggao Police, dakong 8:30 ng gabi nang barilin si Renato Battang, Sr., 54, sa Zone 6, Bgy. San Miguel, Baggao.

Sa imbestigas­yon, nagluluto si Battang nang biglang pasukin ng isang hindi nakilalang lalaki at binaril nang apat na beses na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Inimbitaha­n ng pulisya ang isang Ferdinand Balalua sa naturang lugar na nakaalitan ng biktima bago ang pamamaslan­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines