Balita

Driver tiklo sa pot session

- Light A. Nolasco

STA. ROSA, Nueva Ecija - Nasorpresa ang isang 21- anyos na tricycle driver nang maaktuhan umano siya ng pulisya habang bumabatak sa public cemetery ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Pinangunah­an ni Chief Insp. Herbert Ocumen, hepe ng Sta. Rosa Police, ang pagdakip kay John Philip Marasigan, 21, nitong Lunes.

Narekober umano ng pulisya mula sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinala­ng shabu at drug parapherna­lia.

Sinampahan na ang suspek ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines