Balita

R15M inilaan ng Zamboanga para sa trabaho ng mga estudyante

-

DINAGDAGAN

ng Zamboanga City ng P6 na milyon ang pondo nito para sa implementa­syon ng Special Program for Employment of Students ( SPES) ngayong taon.

Sinabi ni Ma. Socoro Rojas, City Social Welfare and Developmen­t Office ( CSWDO) chief, nitong Huwebes na ang alokasyon sa taong ito ay tumaas sa P15 milyon, na mas mataas ng P6 na milyon kaysa nitong nakaraang taon.

Ayon kay Rojas, magkakaloo­b ng trabaho ang pamahalaan­g lungsod sa 2,766 na estudyante sa dalawang batch na binubuo ng 1,400 high school ( unang batch) at 1,366 ( ikalawang batch) ng mga estudyante sa kolehiyo.

Aniya, ang mga estudyante­ng makakapasa na makapagtra­baho sa SPES ay kailangang mag- apply on- line sa www. dole9. org/ spes.

Magsisimul­a ang aplikasyon, para sa unang batch, mula sa Pebrero 20 hanggang Marso 10; at sa Marso 15- Abril 10 para naman sa ikalawang batch.

Ang mga estudyante ay magtatraba­ho sa loob ng 20 araw at tatanggap ng suweldong P9,554.60 o P 477.73 kada araw.

Inako ng pamahalaan­g lungsod, bilang employer, ang 60 porsiyento sa suweldo ng mga estudyante habang sagot naman ng Department of Labor and Employment ( DoLe) ang natitirang 40 porisyento.

Ang SPES ay isang employment bridging program tuwing Summer o Christmas vacation, na layuning madagdagan ang kita ng pamilya ng mga estudyante­ng mahirap ngunit karapat- dapat, out- of- school- youth ( OSY).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines