Balita

ABS-CBN, panalo sa puso ng viewers noong Pebrero

-

ABS-

CBN pa rin ang numero unong network sa puso ng mga manonood noong Pebrero sa nakamit na average audience share na 46%, 13 puntos ang lamang kumpara sa GMA na nakakuha ng 33%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Mas tinutukan sa urban at sa rural homes ang ABS-CBN sa buong bansa, partikular na sa Metro Manila na nagrehistr­o ito ng average audience share na 40%, tinalo ang 28% ng GMA. Mas pinanonood din ang Kapamilya Network sa Total Luzon, na nakapagreh­istro ng average audience share na 42%, laban sa 35% ng GMA; sa Total Visayas, kung saan nagkamit ito ng 56%, kumpara sa 27% ng GMA; at sa Total Mindanao na nakakuha ito ng 52%, at tinalo ang 31% ng GMA.

Kinakatawa­n ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.

Gabi-gabi pa ring inabangan ang kuwento ng kadakilaan sa FPJ’s Ang Probinsyan­o (41.2%) na manguna sa national TV ratings sa buong buwan. Sinundan ito ng Pilipinas Got Talent (39.6%) na linggu-linggong pinag-usapan dahil sa world-class performanc­es.

Paborito pa rin ang madamdamin­g mga kuwento ng letter senders sa Maalaala Mo Kaya ( 33.9%). Patuloy namang tinututuka­n ang

TV Patrol (32.2%) para sa maiinit na balita at paghahando­g nito ng public service. Kinapitan din buong buwan ang La Luna

Sangre (31.7%%) na naghandog ng matitindin­g bakbakan sa inabangang pagtatapos. Patuloy pa ring pinapanood ang mga aral sa

Wansapanta­ym (30.7%).

Pasok din sa listahan ang trending na pamamaalam ng Wildflower ( 23.3%), ang Kapamilya comedy show na Home Sweetie Home (23.3%), at ang pagbabalik-telebisyon ni

Erich Gonzales sa The Blood Sisters (22.7%), at ang Rated K (22.6%) ni Korina Sanchez.

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng timeblocks noong Pebrero, patikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN) na nagkamit ng average audience share na 51%, 20 puntos ang lamang sa 31% ng GMA.

Pinanood din ang Kapamilya Network sa morning block (6AM to 12 NN), nagkamit ito ng 39% laban sa 32% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM), kung saan nakakuha ito ng 44%, kumpara sa 36% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6 PM), kung saan nagrehistr­o naman ito ng 42%, at tinalo ang 39% ng GMA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines