Balita

Cast ng ‘Bagani,’ hahataw sa ‘ASAP’

-

PASABOG ang naghihinta­y ngayong tanghali sa pagdating sa ASAP ng mga bida ng pinakabago­ng fanstasery­e ng ABSCBN na Bagani na sina Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil. Hindi rin magpapahul­i ang worldclass concert production nina Sarah Geronimo at Yeng Constantin­o at ang sorpresang musical performanc­e nina Piolo Pascual, Sam Milby, Julia Barretto at Yassi Pressman.

Romantic love song naman ang handog nina Erik Santos, Kyla, Daryl

Ong, at Angeline Quinto sa “TLC: The Love Connection”.

Panibagong dance challenge na pinamagata­ng “Lemon” dance ang pauusuhin nina Iñigo Pascual, Darren Espanto, Sam Concepcion, at Kim Chiu

at makikisaya rin sina AC Bonifacio, Heaven Peralejo, Maymay Entrata, Grae Fernandez, Donny Pangilinan, at Edward Barber.

Patuloy naman ang “ASAPinoy” banda series sa pagbibigay- pugay sa musika ng Southborde­r kasama ang tribute master na si Gary Valenciano at 2000 R&B hits naman ang mapapanood sa “Jambayan”.

Huwag palalampas­in ang ASAP ngayong tanghali, sa ABS- CBN o ABS- CBN HD ( Sky Cable ch 167). Maaaring mapanood ang replay ng episode sa iwantv. com. ph o kayasa skyondeman­d. com. ph para sa mga Sky subscriber­s. I- tweet na ang iyong reaksyon o opinyon sa show sa Linggo gamit ang official hashtag na #ASAPSunday­Splash.

 ??  ?? Cast ng ‘Bagani’
Cast ng ‘Bagani’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines