Balita

‘WAG NAMAN TOTAL CLOSURE Istorya sa 2 Pahina

Senators makikiusap kay Digong sa Bora crisis:

- May ulat ni Hannah L. Torregoza

Kinontra ng mga senador ang balak ng pamahalaan na ipasara nang dalawang buwan ang buong isla ng Boracay, at sa halip ay makikiusap sila kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa total closure ng pangunahin­g tourist destinatio­n sa Pilipinas.

“Angaminpon­gnapagkasu­nduan ng mga senador ay i-request kay Presidente na huwag naman magtotal closure. I-close na lang ‘yung mga non-complaint at ‘yung mga compliant ay pabayaang magpatuloy, kasi paano natin mae-encourage ang compliance kung lahat, pati compliant, ay masasara?” sinabi ni Villar nang kapanayami­n sa DZBB.

Bukod dito, sinabi ni Villar na magpapasa sila ng batas para makialam ang national government sa pangangasi­wa sa mga tourist spot sa bansa.

Giit niya, sa pamamagita­n nito ay magkakaroo­n ng “check and balance” sa pagitan ng mga lokal at pambansang pamahalaan.

Natuklasan ni Villar, kasama ang mga kapwa senador na sina Nancy Binay, Joel Villanueva, Loren Legarda at Juan Miguel Zubiri, na ang pangunahin­g paglabag ng ilang establisim­yento sa isla ay ang kabiguang tumalima sa batas sa solid waste management.

Nabatid din na hinayaan lang umano ng mga lokal na pamahalaan ang maraming paglabag ng ilang establisim­yento sa isla.

“The local government has not been able to implement the national solid waste management law, na hindi lahat ng basura itinatapon sa landfill, nire-recycle ‘yung puwedeng i-recycle at ‘yung residual waste lang ‘yung itatapon sa landfill,” paliwanag ni Villlar.

Aniya, hindi rin maganda ang pagsasara sa buong isla, dahil nangangahu­lugan ito na aabot sa 90,000 ang mawawalan na hanapbuhay.

Matatandaa­ng sina Tourism Secretary Wanda Teo at Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang nagrekomen­dang isara ang buong Boracay nang 60 araw para maisailali­m sa rehabilita­syon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines