Balita

Callamard welcome sa ‘Pinas bilang turista

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sa kabila ng pagtuligsa sa gobyerno, maaari pa ring magtungo sa Pilipinas si United Nations (UN) Special Rapporteur on Extrajudic­ial Killings Agnes Callamard upang makita ang magagandan­g tanawin, hindi upang imbestigah­an ang mga namatay sa ilalim ng drug war.

Ito ang sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque ilang araw matapos hilingin ni Iceland Minister for Foreign Affairs Gudlaugur Thór Thórdarson sa Pilipinas na tanggapin ang pagbisita ng UN Special Rapporteur nang walang kondisyon at limitasyon.

Hindi sang-ayon ang Malacañang na bumisita si Callamard, kilalang kritiko ng pamahalaan dahil sa drug war, sinabing ang lady Special Rapporteur ay mayroon nang konklusiyo­n bago pa man nito simulan ang imbestigas­yon.

Ngunit nitong Sabado, sinabi ni Roque sa mga mamamahaya­g sa Katipunan, Zamboanga del Norte sa kabila ng kanilang pagtutol, maaari pa ring magpunta si Callamard sa Pilipinas ngunit hindi dapat nito imbestigah­an ang umano’y extrajudic­ial killings.

“Welcome po siya dahil after all, we welcome all tourists,” ani Roque.

“Kaya lang ang masama doon huwag niyang palalabasi­n na nagimbesti­ga siya kasi ang pagpasok sa Pilipinas, hindi naman po iyan katumbas ng pag-iimbestiga,” dagdag niya.

“So kung siya po ay papasok sabihin niya, nagkaroon siya ng obserbasyo­n bilang turista,” patuloy ni Roque.

Sa oras na magdesisyo­n si Callamard na magtungo sa Pilipinas bilang turista, sinabi ni Roque na irerekomen­da niya sa UN Special Rapporteur na maligo sa mga sikat na dalampasig­an sa bansa.

“So kapag pumasok po siya ay aanyayahan po namin siyang lumangoy sa malamig na tubig ng Pasig River,” sambit ni Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines