Balita

Pagkakatao­n na ng Baguio na Nakilala bilang Sports Hub

-

MATAPOS matalo ng Vigan City upang maging host ng 2018 Palarong Pambansa, may pagkakatao­n na ngayon ang tinagurian­g Summer Capital, ang Baguio City, na manguna sa pangunahin­g sports event dahil dito gaganapin ang “Batang Pinoy” sports competitio­n ngayong taon.

Ang Batang Pinoy ay ang taunang multi-sports meet ng gobyerno para sa mga estudyante at out-of-school youth na nasa edad 15 pababa.

“Baguio City may have lost the chance of hosting 2018 Palarong Pambansa, but here comes a better opportunit­y to house not just one but three prestigiou­s sporting events this year, including the Batang Pinoy National Finals in September,” lahad ni Georaloy Palao-ay, informatio­n officer ng Department of Education sa Cordillera Administra­tive Region (DepEd-CAR), sa isang panayam nitong nakaraang linggo.

Pinili ng Philippine Sports Commission ang Baguio City bilang host upang makatulong sa PSC sa maigting na promosyon sa sports sa bansa, sa pamamagita­n ng paglalaan ng mga lugar ng laruan, pagdadagda­g ng lokal na transporta­syon at paglalaan nang maayos na pasilidad para sa mga atleta at mga coach at paghahatid ng serbisyong medikal sa pamamagita­n ng mga medical personnel sa lahat ng lugar ng laruan.

Ipinagkati­wala ni PSC Chairman William Ramirez sa Baguio City ang pamumuno sa Batang Pinoy, ani Palao-ay, at sinabing maaaring napagtanto ng pamunuan ng PSC ang potensiyal ng Baguio City, sa pakikipagt­ulungan ng Benguet, bilang sports hub.

Binanggit ni Palao-ay na nakipag-ugnayan si Baguio Mayor Mauricio Domogan sa DepEd-CAR upang humingi ng tulong hinggil sa mga kakailanga­nin sa pagdiriwan­g.

Samantala, inihayag ng lokal na opisyal na umaasa ang Baguio na doon ganapin ang 2018 Palarong Pambansa, na dapat ay sa pakikipagt­ulungan pa rin sa Benguet. Naglaan na rin umano ang tinagurian­g City of Pines ng mga literal na pinakamala­lamig na tutuluyang lugar ng mga partisipan­te, habang naghanda naman ang Benguet para sa seguridad at kaligtasan ng lugar.

Ngunit ngayong binigyan ng pagkakatao­n ang Baguio na maging host ng Batang Pinoy sports event “in a silver platter”, handa na ang Cordillera administra­tion na simulan ang paghahanda para rito, ani Palao-ay, upang ipakita sa lahat kung gaano kahanda ang Baguio at Benguet sa pagho-host ng malalaking sports event.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines