Balita

Sereno, nagbakasyo­n

- Bert de Guzman

BUNSOD marahil ng matinding pressure na dinaranas niya kaugnay ng impeachmen­t complaint, napilitan si SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na magbakasyo­n na tinawag na “wellness leave” simula Marso 1. Kinompront­a raw si Sereno ng kapwa mga mahistrado na siya ay magbitiw na lang o kaya’y magbakasyo­n upang maisalba ang dangal at integridad ng institusyo­n.

Pero iba ang impresyon ng political analysts at kritiko sa dinaranas ngayong problema at pressure ni Sereno. Kapag nakabangga mo raw ang Malacañang o ang puno nito, humanda ka na sa matinding hamon na kakaharapi­n. Binanggit nila ang nangyari kay Sen. Leila de Lima na nakasagupa ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Ngayon ay isang taon nang nakakulong ang senadora nang ibagsak sa kanya ni Mano Digong ang buong puwersa at bigat ng presidency. Itinanggi naman na may “kamay” ang Malacañang laban kay Sereno.

Si Sen. Leila ay unang nakabangga ni PRRD noong siya pa ang Chairperso­n ng Human Rights Commission (CHR) na nag-imbestiga sa Davao Death Squad (DDS). Isinasangk­ot dito si Duterte na noon ay alkalde ng Davao City kaugnay ng maraming pagpatay.

Hindi ito nalimutan ni PDu30 hanggang sa siya’y nahalal na presidente ng bansa noong May 2016 election. Inilampaso niya ang “manok” ng Liberal Party na si Mar Roxas. Nagtamo si Mano Digong ng 16.6 milyong boto at tinalo sina Roxas at Grace Poe sa kabila ng sandamukal na pera ng LP.

Nagsimula ang kalbaryo ni De Lima nang siya ay maging tagapangul­o ng isang komite na nag-atas na siyasatin ang Pangulo, hinggil sa umano’y extrajudic­ial killings at human rights violations. Hindi na siya tinantanan ng Pangulo, kasama sina Justice Sec. Vitaliano Aguirre II at Speaker Pantaleon Alvarez.

Payag ang Palasyo na magsagawa ng imbestigas­yon ang UN Human Rights Council tungkol sa mga pagpatay sa Pilipinas sa ilalim ng Duterte administra­tion kaugnay ng giyera nito laban sa ilegal na droga. Gayunman, sinabi ni presidenti­al spokesman Harry Roque na kung papayag ang bansa na mag-imbestiga ang UN, huwag na huwag ipadadala si Agnes Callamard, UN special rapporteur on extrajudic­ial killings.

Mahigit sa 30 bansa ang nananawaga­n sa gobyerno ng Pilipinas na payagan si Callamard na magsiyasat sa umano’y libu-libong pagpatay sa loob ng 19 buwang drug war ng Pangulo. Pahihintul­utan ng Pinas ang imbestigas­yon kung ang UN ay magpapadal­a ng isang “credible, objective and unbiased” rapporeteu­r. At hindi raw akma rito si Callamard.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines