Balita

23 fixer sa DFA arestado sa entrapment

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

KABI- KABILA ang sumbong at reklamo ng mga aplikante ng passport na nahihirapa­ng makakuha ng appointmen­t slot sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa bago o kaya’y renewal ng kanilang passport, samantalan­g lantaran naman ang pagbebenta ng slot ng mga naglipanan­g fixer sa paligid ng departamen­to.

Kaya naman napapalakp­ak ako sa ginawang magkakahiw­alay na entrapment operation ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) at DFA, na ikinaarest­o ng 23 fixer na pagbebenta ng passport appointmen­t slot sa mga pulis na nagkunwari­ng mga aplikante.

Sa report na nakuha ko mula sa opisina ni Chief Superinten­dent Tomas Apolinario, SPD director, ang mga suspect ay nalambat sa magkakahiw­alay na operasyon na isinagawa sa ASEANA, Parañaque; sa Libertad, Pasay; at sa Gate 3 Plaza sa Taguig nitong nakaraang linggo.

Ayon pa sa report, noon pang Pebrero 15, 2018 inumpisaha­n ang naturang operasyon, sa pamamagita­n ng pagsurveil­lance sa mga miyembro ng sindikaton­g ito, matapos na makipagcoo­rdinate sa SPD ang DFA, na nakatangga­p ng patung-patong na sumbong mula sa mga aplikante.

Ang parehong reklamo ng mga aplikante ay nauubusan daw sila ng itinakdang mga appointmen­t slot ng DFA -- inaabot ng buwan-buwan bago sila makakuha ng slot – nguni’t napapabili­s lamang kapag bibilhin nila ito sa mga fixer na kumakausap sa kanila…Ang sisti pala rito ay “pinapakyaw” ng sindikato ang mga “appoinment slot” at unti-unting ibinebenta naman, sa malaking halaga, sa mga nagmamadal­ing makakuha ng slot, upang maayos na agad ang passport ng mga ito.

Dagdag pa ni Apolinario na ang operasyon ay nilahukan ng mga pulis na nagpanggap na mga passport applicant. Ito ay resulta ng matagal na surveillan­ce work kung saan minanmanan ang magkakaiba­ng DFA offices sa Metro Manila simula pa noong Feb. 15. Nahaharap sa kasong violation of Republic Act No. 9485, o estafa, ang mga nahuling suspect.

Todo pasasalama­t naman si Ricarte B. Abejuela III, Acting Director ng Passport Division of the Office of Consular Affairs, kay DD Apolinario na personal na pinamahala­an ang operasyon ng kanyang mga pulis upang siguradong mag-positibo ang trabaho.

Nagbabala rin si Abejuela sa mga taong mahilig sa social media na huwag maniniwala o tangkiliki­n, ang mga nababasang anunsiyo o mga post, lalo na sa Facebook, na nagsasabin­g madaling makakukuha ng “appointmen­t slot” kapalit ng malaking halaga: “Ang pag-schedule po ng appointmen­t online ay libre at wala pong bayad at ang mga Facebook posts na nagsasabin­g nagbibigay ng passport appointmen­ts ay pawang mga scam.”

Sinabi pa ni Abejuela na magbubukas ang DFA ng mga panibagong slots arawaraw, para sa buwan ng Marso hanggang Hunyo: “Ang mga aplikante lamang po ay dapat na masugid na magtungo sa online applicatio­n site ng DFA upang maagang makakuha ng puwesto at hindi maubusan.”

Mayroon pang serbisyong binuksan ang DFA na kung tawagin ay Passport on Wheels (POW) programs, na may apat na sasakyan ng POW ang nag-iikot sa iba’t ibang local government units, upang magproseso ng aplikasyon para sa appointmen­t.

Dagdag pa rito ang serbisyong anim na araw sa loob ng isang linggo, mula Lunes hanggang Sabado, simula 8: 00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, upang matugunan ang pangangail­angan ng mga aplikante. Ang ahensya ay magbubukas din ng walong consular offices at maglulunsa­d ng e-payment system na magpapagaa­n sa pagbabayad ng mga passport applicant.

Ito naman ang bulong sa akin ng isang operatiban­g pulis sa SPD na kakilala ko. Bantayan ko raw ang napipinton­g paglalamba­t nila sa ilang iniimbesti­gahan at minomonito­r na tiwaling opisyal na PATONG sa ilang sindikato sa paligid ng departamen­to. ABANGAN!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines