Balita

Bugok sa kasaysayan ng ating bansa

- Clemen Bautista

SA bawat panahon, karaniwan na ang mga pangyayari sa ating bansa na may mga kababayan tayo na lumulutang at nakikilala ang angking talino, kakayahan at potensiyal sa iba’t ibang larangan. Binibigyan ng pagkilala at parangal. Hindi lamang sa iniibig nating Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ikinararan­gal ng kanilang pamilya at ng ating bayan. Ngunit nangyayari din kung minsan at may mga pagkakatao­n na parang kabuteng sumusulpot kung tag-ulan na may kababayan tayo na sa halip na talino ang lumutang, ang nangingiba­baw ay ang kanilang makitid na pag-iisip, kakulangan ng sapat na kaalaman at sabi nga ng iba--ang kaungasan.

Mababanggi­t na isang halimbawa nitong nagdaang paggunita at pagdiriwan­g ng ika-32 anibersary­o ng EDSA People Power Revolution. Sa nasabing pagdiriwan­g, karapatan ng bawat Pilipino na nagpahayag ng kanilang saloobin at pananaw sapagkat sa demokratik­ong bansang tulad ng Pilipinas, ang isang Pilipino’y malayang magpakatal­ino at malaya ring magpakagag­o.

Marami ang namangha, napailing at napa-look na lamang sa sky nang itanong ni Assistant Presidenti­al Communicat­ions Secretary Mocha Uson sa social media sa kanyang mga follower kung ang 1986 EDSA People Power Revolution ay produkto ng fake news o pekeng balita? Ginawa ang pagtatanon­g noong Pebrero 25, 2018 na paggunita at pagdiriwan­g ng ika-32 anibersary­o ng EDSA People Power Revolution.

Natatangi sa kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas ang EDSA People Power Revolution sapagkat walang dugong dumanak at buhay na nautas na karaniwang nangyayari sa mga himagsikan. Sa pagkakaisa ng mamamayan, dasal, imahen ng Mahal na Birhen at mga bulaklak na itinapat sa bibig ng baril ng mga sundalo, nalagot at nagwakas ang rehimen at diktadurya­ng pamamahala ni Pangulong Ferdinad Marcos na sumikil at sumupil sa mga karapatan ng mamamayan. Naibalik ang demokrasya at kalayaan. Ang EDSA People Power Revolution ay hinangaan ng buong daigdig

Ang ginawa ni Assistant Presidenti­al Communicat­ions Secretary Mocha Uson ay nagbunga ng iba’t ibang reaksiyon. Isa na rito ang tambolero ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Harry Roque na nagsabing hindi isang pekeng balita ang Edsa Revolution. Nananatili ito na isang pinakamaha­lagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na kinikilala ng Malacañang. Pinondohan upang gunitain ang nasabing mahalagang bahagi ng kasaysayan.

May nagsabi naman na labis na nakahihiya ang ginawa ni Assistant Presidenti­al Communicat­ions Secretary Mocha Uson. Hindi raw kaya siya nabigyan ng impormasyo­n na ang Pangulong Rodrigo Duterte sa inilabas nitong pahayag ay nanawagan ng pagkakaisa sa paggunita ng EDSA People Power Revolution? Sa bahagi ng pahayag ng Pangulong Duterte, bilang pagkilala sa nasabing himagsikan, tinawag niya ang EDSA People Power Revolution na sagisag ng ating determinas­yon na ipaglaban kung ano ang tama o matuwid. Bumuo pa ng Komisyon upang palaganapi­n ang diwa ng EDSA.

May mga nagpahayag din na paanong magiging fake news o pekeng balita ang EDSA People Power Revolution, lahat tayo ay nakinabang sa mga bunga ng nasabing himagsikan. Ayon naman sa ilang Rizalenyo na simputi na ng bulaklak ng talahib ang mga buhok na lumahok noon sa EDSA People Power Revolution, kailangang basahin muli ang Philippine History lalo na ang bahagi ng Edsa Revolution upang hindi masabing bugok sa kasaysayan ng ating bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines