Balita

Janine, bagong leading lady ni Alden?

‘DI NA MAPAGKIT KAY RAYVER

- Ni NITZ MIRALLES

PARANG

hindi na naghihiwal­ay sina

Rayver Cruz at Janine Gutierrez dahil kapag walang trabaho ang isa sa kanila, lagi silang magkasama. Pati sa tinawag ni Janine na “Home videos on a Saturday night” na kasama nila sa panonood ang lola ni Janine na si Pilita Corrales, amang si

Ramon Christophe­r, titang si Jackielou Blanco at mga kapatid, kasama pa rin nila si Rayver.

Old video na kuha noong bata pa si Janine at mga kapatid ang pinanood ng grupo sa bahay yata ni Pilita sa BF Homes. Ang talas ng mata ng JanVer fans dahil nakita agad na nakahawak si Rayver sa braso ni Janine.

Anyway, abangan natin kung magkakatoo ang hula ng Kapuso viewers na parang isa si Janine sa magiging leading lady ni Alden Richards sa Mitho. Last Friday kasi, na may meeting sa GMA-7 para sa casting ng fantaserye, may meeting din sina Janine at manager niyang si Leo Dominguez para sa new show ni Janine sa network.

Kahit umaga ang meeting nina Janine at Leo at hapon ang meeting para sa Mitho, may mga naniniwala na para sa Mitho rin ang meeting ni Janine at ng kanyang manager.

Samantala, hit sa netizens na milllennia­ls ang cover ni Janine ng March issue ng Preview magazine na iba’t ibang swimsuit ang suot, from one piece to two-piece na design ni Aven Bacudio.

Positive ang comments ng followers ni Janine pati celebritie­s at ikinumpara siya sa foreign celebritie­s na sina Selena Gomez,

Mila Kunis at Kylie Jenner. Tinawag nga siyang “Kylie of the East.”

 ?? Janine ??
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines