Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-88 labas

- NI LEONARDO T. BULURAN

BAGO

nabuo ang isang buwang itinakda ni Pedring na hindi na sila dapat magkaroon ng kontak ni Melanie, tinipan siya ni Pedring sa kubo sa bukid.

“Kumunsulta ka na ba kay Doktora, Melanie?” “H-hindi pa.” “Baka naman ngayon pa lang, puwede nang malaman kay Doktora kung buntis ka nga o…”

“Ang sabi ni Doktora, para tiyak na tiyak, kailangan…mahigit isang buwan…” Paano nga kung wala pa silang nabubuo ni Manding? “Teka lang, nasasabik ka na bang magkaanak na tayo?” Tiim ang bibig ni Pedring. Sana nga’y totoong buntis siya. Pero bigla niyang naisip na problema pa rin. Kung buntis siya, paano si Manding? Si Manding ang talagang ama, di ba?

Bahala na! Ang mahalaga nang mga sandaling iyon, maangkin niya si Pedring.

“E, kelan ka babalik kay Doktora?” “Um, malapit na…malapit na.” May katakawan marahil siya. Gayong ang dalas nila ni Manding, parang sabik pa rin siya dito kay Pedring. Kung sa pagka-lalaki at maging sa paggawa ng pag-ibig, ngayong marunong na si Manding ay wala na sigurong pinagkaiba ang dalawang lalaking ito. Pero para sa kanya, iba pa rin si Pedring. Iba!

Nagsimula siyang mag-alis ng kanyang mga damit. “B-bakit?” tanong ni Pedring. “Sabik na sabik na ako sa iyo, Pedring. Pagbigyan mo naman ako.” “Huwag na, Melanie.” “Bakit naman, ano naman ang masama?”

“Ayoko nang dagdagan ang kasalan ko sa iyon. Baka naman talagang wala ay gagawin natin ang makabuo.”

“’Yun talaga ang gusto ko. Ngek!” Nabigla siya.

Napailing si Pedring. “Aamin ako sa iyo, alam kong masasaktan ka. Si Lagring pa rin ang mahal ko.” Wala na siyang damit. “Ayoko na, Melanie.” “Sawa ka na?” “Hindi naman sa ganoon. Kaya lang…makabubuti sigurong tiyakin mo muna kung buntis ka.”

“At pag natiyak kong buntis

ako, pakakasal tayo?”

Hindi kumibo si Pedring.

Muli, ibinalik niya ang mga inalis niyang damit. Sa sarili niya: Kung ayaw mo, di h’wag! Ganitong nararamdam­an kong mayroon na… humanda ka umani ng binhi ng iba. Hahaha!

NAROON uli si Melanie sa klinika ng doktor. Natapos na siyang suriin. Hinihintay nalang niya ang resulta ng pagsusuri sa kanyang pregnancy. Magkahalon­g pananabik at matinding kaba ang nararamdam­an niya. Malaki ang pag-asa niyang buntis na nga siya. Pero paano kung hindi? A-ano ang kanyang susunod na hakbang?

Nakangiti si Doktora nang lumabas sa klinika. “Good news, Misis!”

“A-ano ang ibig n’yong sabihin?” “Positive. Congrats!” “B-buntis na talaga a-ako!” Kandabulol siya sa malaking tuwa.

“Ingat lang, Misis. ‘Sang buwan pa lang ‘yan… hindi pa masyadong kapit.”

“S-salamat po, Diyos ko! Salamat po, Doktora!”

“Dahil panganay ‘yan misis… kelangan ang ibayong pag-iingat. Reresetaha­n kita ng medisina. Pampalusog sa bata.” Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines