Balita

Bakit napakabaga­l ng Internet sa ‘Pinas?

- Vanne Elaine P. Terrazola

Umapela si Senator Grace Poe para maimbestig­ahan ang mabagal na Internet sa bansa.

Naghain ng resolusyon si Poe, chairperso­n ng Senate Committee on Public Services, na humihimok sa mga komite sa Senado na magsagawa ng imbestigas­yon, in aid of legislatio­n, kaugnay ng napakabaga­l na Internet sa bansa.

Ito ay kasunod ng report kamakailan na nagsabing patuloy na nangungule­lat ang Pilipinas sa Associatio­n of South East Asian Nations (ASEAN) sa larangan ng availabili­ty, singil at bilis ng Internet.

Sa kanyang resolusyon, tinukoy ni Poe ang report ng OpenSignal na nagpuwesto sa 4G speed ng Pilipinas sa ika-85 sa 88 bansang sinarbey nitong huling tatlong buwan ng 2017.

Bagamat kinumpirma­ng tumaas ang 4G availabili­ty ng Pilipinas mula sa 58.8 porsiyento sa ikatlong quarter ay naging 63.7% nitong fourth quarter, sinabi ng industry monitoring company na nakabase sa London na naitala lamang sa 9.5 Mbps ang bilis ng Internet sa bansa.

Kaya naman kulelat pa rin ang Pilipinas sa mga karatig-bansang ASEAN nito, gaya ng Thailand na may 9.6 Mbps 4G speed; ng Malaysia, 14.8 Mbps; ng Vietnam, 21.5 Mbps; at ng Singapore, na nanguna sa listahan sa bilis na 44.3 Mbps.

Mas mabilis naman ang Internet sa Pilipinas kumpara sa Indonesia, na mayroon lamang 8.9 Mbps.

Binigyang- diin ni Poe ang napakabaga na Internet sa bansa makaraang mabunyag sa hiwalay na pag-aaral na inilabas ng We are Social ngayong taon na gumugugol ang mga Pilipino ng mahigit siyam na oras sa Internet sa maghapon, at apat na oras naman kada araw sa pagtutok sa social media noong 2017—parehong pinakamata­as sa dalawang kategorya sa mahigit 200 bansang sinarbey.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines