Balita

Voter education campaign, ititigil

- Mary Ann Santiago

Plano ng Commission on Elections (Comelec) na bawasan o itigil pansamanta­la ang voter education campaign na ‘Know Elections Better’ (KEB) seminars, sa mga susunod na linggo.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang KEB ay isang continuing voter education campaign ng poll body ngunit balak nilang bawasan o itigil muna ang pagsasagaw­a nito upang matutukan ang paghahanda para sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.

Batay sa calendar of activities ng Comelec, ang election period para sa BSKE 2018 ay nakatakda mula Abril hanggang Mayo 21, at ang araw ng halalan ay sa Mayo 14.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines