Balita

SoKor delegation biyaheng Pyongyang

-

SEOUL (AFP) – Isang delegasyon ng South Korea ang patungo sa Pyongyang kahapon para sa mga pag-uusap sa pagitan ng nucleararm­ed North at ng United States, sinabi ng lider ng grupo.

‘’We will deliver President Moon’s firm resolution to denucleari­se the Korean peninsula and to create sincere and lasting peace,’’ sinabi ni South Korean national security advisor Chung Eui-yong.

Ipinahayag ng official Korean Central News Agency ng North ang kanilang napipinton­g pagbisita. Kabilang sa delegasyon si spy chief Suh Hoon, beterano sa pakikipagh­arap sa North. Magbabalik ang 10-member group -- limang top delegates at limang supporting officials – sa Seoul sa Martes.

Lilipad ang delegasyon sa US sa Miyerkules para ipaliwanag ang resulta ng dalawang araw na biyahe sa mga opisyal ng Washington, ayon sa presidenti­al office ng SoKor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines