Balita

R8.98- milyon yosi, paputok nasabat

- Mina Navarro

Dalawang 40-footer container van mula sa China, na naglalaman ng misdeclare­d na sigarilyo at mga paputok na nagkakahal­aga ng P8.98 milyon, ang nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) sa Port of Manila.

Ang isang container ay nakaconsig­n sa Paragon Platinum Internatio­nal Trading Corporatio­n na nasa The Centennial Bldg., 375 Escolta Street, Binondo. Ang mga record na iniharap ng importer ay nilagdaan ng customs broker na si Bernandine Miranda, ng Manuguit, Tondo.

Nabatid na ang kargamento ng Paragon na dumating nitong Pebrero 21 ay idineklara bilang brackets ngunit natuklasan ng BoC na naglalaman ng kahun-kahong sigarilyo.

Binabaan ito ng alert order ng tanggapan ng district collector upang hindi mailabas ang mga kontraband­ong sigarilyo, na nagkakahal­aga ng P8.2 milyon.

Ang isa pang kargamento ay nakapangal­an sa Power Buster Marketing, na may tanggapan sa Bgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite, at inalerto nitong Pebrero 27 dahil sa umano’y misdeclara­tion.

Nagbaba ng alert order ang legal service nang dumating ang naturang kargamento noong Disyembre 31, 2017.

“Upon inspection, we discovered boxes of fireworks instead of the declaratio­n which is footwear,” ani Customs Commission­er Isidro Lapeña.

Ang mga paputok ay ibibigay sa tanggapan ng Philippine National Police- Firearms and Explosives Office para sa tamang disposisyo­n habang sisirain naman ang mga nasamsam na sigarilyo.

Ang mga shipment ay naghihinta­y na lamang ng paglabas ng warrant of seizure and detention habang sasampahan ang mga importer ng kasong paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o Customs Modernizat­ion and Tariff Act.

 ?? ALI VICOY ?? PUSLIT? Ipinakita nina Customs Commission­er Isidro Lapeña at Port of Manila District Collector Atty. Vener Baquiran ang kabuuang P8.9milyon halaga ng umano’y puslit na mga sigarilyo at paputok na nasabat ng kawanihan sa South Harbor, matapos dumating...
ALI VICOY PUSLIT? Ipinakita nina Customs Commission­er Isidro Lapeña at Port of Manila District Collector Atty. Vener Baquiran ang kabuuang P8.9milyon halaga ng umano’y puslit na mga sigarilyo at paputok na nasabat ng kawanihan sa South Harbor, matapos dumating...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines