Balita

Pintor kritikal sa saksak ng 2 binulyawan

- Orly L. Barcala

Nag-aagaw buhay sa pagamutan ang isang pintor matapos pagtulunga­ng saksakin ng dalawang kapitbahay na umano’y sinigawan niya sa Malabon City, nitong Linggo ng gabi.

Nakaratay sa ospital si Daniel Piera, 45, ng Barangay Maysilo, sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagaw­a ng manhunt operations ang mga pulis laban kina Jimmy Balbarona, nasa hustong gulang; at Ryan Sanchez, 34, kapwa kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong 9:30 ng gabi at nakikipag-inuman ang biktima sa kaibigan nito sa labas ng kanyang bahay nang mapadaan ang dalawang suspek.

Sinasabing sinigawan umano ng biktima ang mga suspek na ikinagalit ng mga ito na humantong sa pananaksak.

Natigil lang ang pananaksak ng dalawang suspek nang dumating ang kinakasama ng biktima at mabilis na tumakas ang mga salarin, na nahaharap ngayon sa frustrated homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines