Balita

Pulis dedo sa truck

- Light A. Nolasco

DIPACULAO, Aurora – Dead on the spot ang isang pulis nang masagasaan ng isang truck matapos sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo sa Barangay Diarabasin, Dipaculao, Aurora, nitong Martes ng gabi.

Nakilala ng pulisya ang nasawi na si SPO1 Jerremy Aldave, 39, ng Barangay Pingit, Baler, Aurora, at nakatalaga sa Dinalungan Police.

Hindi nakaligtas si Aldave dahil sa tinamong pinsala sa ulo makaraang magulungan ng truck na minamaneho ni Dindo Cusili, 40, ng Urzadan Suyo, Ilocos Sur.

Sa pagsisiyas­at ng Dipaculao Police, patungong Baler si Aldave nang aksidenten­g dumulas ang gulong ng minamaneho nitong motorsiklo.

Nakapiit na si Cusili, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines