Balita

Preso patay sa kakosa

- Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas - Patay ang isang preso matapos na pagsasaksa­kin ng kanyang kapwa bilanggo sa loob ng Batangas Provincial Jail sa Batangas City, nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Remon Arabes, 27, ng Malvar, Batangas, na may kasong homicide.

Sinampahan naman ng murder ang suspek na si Larry Silva, 31, ng Talisay, Batangas, na akusado sa murder at homicide.

Ayon kay PO2 Billy Rey Olalo, dakong 4:15 ng hapon nang bigla na lamang saksakin ng suspek ang biktima sa loob ng selda.

Isinugod sa Batangas Medical Center ang biktima subalit dead on arrival na ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines