Balita

Ginang binaril sa lamay ni mister

- Liezle Basa Iñigo

Sugatan ngayon ang isang ginang nang barilin ng hindi nakilalang lalaki, na sumilip sa lamay ng kanyang asawa sa Vintar, Ilocos Norte, kahapon ng madaling-araw.

Sa imbestigas­yon ni PO3 John Mark Dalere, ng Vintar Police, nangyari ang insidente sa Barangay San Ramon, Vintar, dakong 12:05 ng umaga.

Isang hindi nakilalang lalaki, aniya, ang nagtungo sa lamay ng asawa ni Teresita Zuñiga, 57, at hindi nagtagal ay umalis na ito.

Bago pa nakalayo, nagpaputok ng baril ang lalaki at tinamaan sa binti si Zuñiga, at isa niyang anak.

Sinisiyasa­t pa ng pulisya ang anggulong alitan sa lupa na motibo sa pamamaril, na ang puntirya ay ang tiyahin umano ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines