Balita

‘Save Boracay Mission’ inilunsad ng DENR

-

Inilunsad na ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) ang misyon nitong “Oplan Boracay, Save Boracay” upang maibalik ang dating ganda ng isla sa Malay, Aklan.

Bilang bahagi ng programa, inatasan na rin ni DENR Secretary Roy Cimatu ang mga regional office, kabilang na ang DENR-4A upang makibahagi at tumulong sa kanilang misyon.

Kaagapay ng DENR- 4A ang DENR-Cordillera Administra­tive Region (CAR).

Inatasan na rin ang mga ito na makipagtul­ungan sa mga local government unit (LGU), ibahagi ang kanilang show cause order, alamin ang mga paglabag ng mga establisim­yento, tiyaking hindi masisira ang kagubatan at swamp areas sa konstruksi­yon ng mga establisim­yento, at ipinahahan­da rin ang kanilang mga natuklasan sa lugar at rekomendas­yon ng mga ito.

Matatandaa­ng pinulong ni Cimatu ang mga ito nitong Pebrero 26, at iniharap na ng Provincial Environmen­t and Natural Resources Office ( PENRO)- Calabarzon ang kanilang initial report na nagrerekom­endang gibain ang mga istruktura­ng nasasaklaw­an ng swamp areas, gayundin ang mga commercial establishm­ent, stalls, signages at mga informal settler na naniniraha­n sa lugar, dahil sa paglabag sa environmen­tal law.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines