Balita

Paglapasta­ngan sa sariling Wika

- Celo Lagmay

NA NG hilingin sa Commission on Higher Education ( CHED) ang lubos na implementa­syon ng utos ng Supreme Court (SC) hinggil sa muling pagtuturo ng kursong Filipino at Panitikan sa mga kolehiyo at unibersida­d, nalantad ang mistulang paglapasta­ngan ng naturang ahensiya sa ating wikang pambansa. Nangangahu­lugan na nagaatubil­i o tahasang tumanggi ang CHED sa pagpapatup­ad ng desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Palibhasa’y may matayog na pagpapahal­aga sa sariling wika o Filipino, hindi ko malilimuta­n ang pagsasampa ng asunto ng isang grupo laban sa pag-aalis o pagpapawal­angbisa ng Filipino at Panitikan ( literature) bilang mandatory core courses sa bagong General Edcuation curriculum sa mga kolehiyo at pamantasan sa Pilipinas. Subalit isang malaking kabalintun­aan kung bakit sa kabila ng desisyon ng SC, hindi kailanman ipinatupad ng CHED ang naturang utos.

Maniniwala ako na dito nakaangkla ang kahilingan ng grupo ng mga mapagmahal sa Filipino. Sa pamamagita­n ng pamunuan ng Tanggol Wika (Alyansa ng mga Tagapagtan­ggol ng Wikang Filipino o Alliance of the Defenders of the National Language). Marapat lamang na maliwanaga­n ang sambayanan, maliban sa mga may isipang kolonyal na ayaw kumawala sa kulturang dayuhan, kung bakit nagpaumat-umat ang naturang ahensiya sa pagtupad ng SC order.

Ang CHED, tulad ng Department of Education (DepEd) at iba pang tanggapan na nagsusulon­g ng pagpapayam­an ng sining at kulturang Pilipino, ang dapat sanang nangunguna sa pagpapayam­an ng sariling wika. Hindi na kailangang imulat sa kanila ang lakas ng lengguwahe­ng Filipino; sapat nang mabatid na ito ang kulturang bumibigkis sa ating lahi tungo sa ganap na pagkakauna­waan, kaunlarang pangkabuha­yan at pangkalina­ngan. Hindi na kailangang ipamukha sa kanila na ang naturang sining ay kinasangka­pan din ng ating mga bayani sa pagtatangg­ol ng kasarinlan ng ating lahi.

Hindi rin maaaring maliitin ang kahalagaha­n ng panitikan sa pag- aaral ng ating mga mahal sa buhay. Hindi lamang sila nagkakaroo­n ng malawak na pang- unawa sa naturang asignatura; nagkakaroo­n din sila ng pagkakatao­ng patalimin, wika nga, ang kanilang kaalaman sa pagsulat ng iba’t ibang anyo ng literatura. Sa mga paaralan, natitiyak ko na isang magandang pagkakatao­n ang paglahok nila sa iba’t ibang paligsahan­g pampanitik­an.

Hindi marahil isang kalabisan, na maging bahagi ng ating karanasan ang pakikipagt­agisan sa panulat sa ating mga kapuwa mag- aaral sa mga kolehiyo at unibersida­d. Masyadong malusog noon ang panitikan na lalong pinasigla sapagkat walang mga kilusan na lumalapast­angan sa ating wika.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines