Balita

Sharon-Gabby, love team na laging patok kahit lagi ring magkaaway

- Ni REGGEE BONOAN

SADYANG inabangan namin ang panayam ni Korina Sanchez kay Sharon Cuneta sa Rated K nitong Linggo ng gabi dahil na-curious kami sa teaser ng programa na umiiyak ang Megastar habang nagkukuwen­to na hindi sila okay ni Gabby Concepcion nu’ng gawin nila ang TVC ng McDonalds.

As of this writing, mahigit 4M na ang views sa YouTube na naturang TVC.

Sa naturang panayam, inamin ni Sharon na alanganin siyang gawin ang McDonalds commercial dahil hindi sila in good terms ng ex-husband na ama ng panganay niyang si KC Concepcion.

Ugat nito ang hindi pagkakatul­oy ng pelikula nila sa Star Cinema.

“Di ba, dapat nga magpepelik­ula kami two years ago pa hanggang last year, hindi na natuluy-tuloy, so sabi ko wala na siguro,” kuwento ni Shawie. “And then biglaang naoffer itong McDonalds sa amin na truthfully, ayokong gawin kasi hindi kami in good terms, eh.

“Hindi kami nag-uusap. Alam ko, medyo malaki ‘yung excitement. Ang hindi ko sure, paano tatanggapi­n na 50s na kami.”

Pero dahil maganda naman ang offer ay nanalangin ang Megastar kung tatanggapi­n o hindi ang project at positibo naman ang mga sagot kaya tinanggap na niya.

“Actually, hindi ko talaga alam ano nangyari. Hindi kami magkaaway na harapan, eh. I didn’t know what to expect pero laging negative.

“Parang nakakanerb­iyos na hindi ko alam kung tama ba ‘tong tinanggap ko ‘to, ‘tapos biglang maya-maya pagpasok, sabi niya, ‘Hi!’”

Napatingin naman siya kay Gabby at bumati rin ng ‘hi.’

“‘Tapos meron siyang dalang fruit basket. Nag-thank you, gumanyan lang ako, ‘tapos, ‘Sige, I’ll see you later.’”

Hanggang sa gumiling na ang kamera at naging tuluy-tuloy na ang trabaho nila.

“Diyos Ko, Lord! The minute we were given instructio­ns, para kaming nag-shooting kahapon lang. Balik agad sa dating gawi.

“We knew exactly what they wanted from the storyboard. At saka kasi may pagkatotoo ‘yung, ‘Do you mind if I join you,’ na first time kayong mag-uusap.

“It was true. May ilangan, may awkwardnes­s hanggang sa mamaya, relaxed na uli,” kuwento pa ni Sharon kay Korina.

Nang una raw niyang mapanood ang TVC ay hindi agad siya nakapag-react. Nang ulitin niya, saka siya naiyak dahil marami ang nanumbalik na mga alaala.

Pagbabalik- tanaw ni Mega, noong ginagawa nila ang pelikulang Dear Heart (1981) ay hindi sila nag-uusap.

“Shooting kami, hindi kami nag-uusap. Hindi naman sa irita kung hindi ‘di ako friendly at saka naiilang ako sa kanya. Pero ‘pag may eksena kaming ganyan, mabait naman, he’s very down- to- earth. Noong bandang patapos, may mga phone calls na. Noong nagpu-promote kami, kami na!”

Hanggang sa ikasal sila noong September 1984 sa Manila Cathedral na sumama ang pakiramdam niya.

“I was naglilihi na then. In the middle of the ceremony, I remember I was telling Gabby, ‘Pa, I really need to throw up,’ kasi sukangsuka na ako. The monsignor did, binilisan na lang.”

Bukod dito ay ang daming taong nakapasok sa simbahan dahil binuksan ang main door.

“Nasira -yung altar kasi binuksan. My veil, nanakaw. Ginamit ko na lang sa reception, ‘ yung belo ng secondary sponsor, ‘ yung ‘nilalagay sa ‘yo.

“’ Tapos sumabog ‘ yung tambutso ng bridal car, ‘tapos pagdating sa hotel, may metro aide na, lahat na, binisita ko na silang lahat,” kuwento ni Sharon.

Halos dalawang taon lang nagsama sina Sharon at Gabby dahil nagkahiwal­ay na sila noong 1986.

Pero muli silang gumawa ng pelikula noong 1990.

“That movie Bakit Ikaw Pa Rin from beginning to end, hindi kami nag-uusap. I have very bad memories of that whole movie. Pati ‘yung nagre-rehearse kayo ng linya, ‘pag take na, iba na.

“And then we couldn’t tell people na hindi kami magkasundo. Pero maganda ‘yung whole movie na lumabas,” lahad ni Sharon. Hindi sila nagkabalik­an. “He met someone else and he chose her. But that’s okay, I mean, that’s a long time ago. It has something to do also, I have issues, Korina, na people think they call you Mega, people think you have everything.

At tuluyan nang pumatak ang luha, ““I’ve always felt I was never enough for any man since my first husband, so you know. I know how to channel lang my energies and every time I would come out lang on TV, I have a license to be happy. Alam mo kung puro puso noon, isip at puso naman ‘wag puro puso.”

Inamin din ng aktres na may mga pagkakatao­ng nagkakausa­p sila ni Gabby noon, “We have very little contact and usually it would end in a fight.”

Ngayong nag-click ang McDonalds TVC nina Sharon at Gabby ay posible na bang matuloy ang pelikula nila sa Star Cinema?

Ayon kay Sharon, depende ito kay Gabby at sa Star Cinema. Base naman sa narinig naming sabi ng aktor noong makatsikah­an niya ang Star Cinema executives, “Oh, gawa na tayo ng pelikula, ready na ako anytime (sabay kindat sa mga kausap).”

 ??  ?? Sharon at Gabby
Sharon at Gabby

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines