Balita

Agaw-pansin looks sa Oscars 2018

- AOL.com, Harper’s Bazaar, Yahoo Celebrity

TAKAW-

PANSIN ang asul na gown ni Jennifer Garner sa 2018 Oscars. Dumating si Garner sa 2018 Oscars kahapon at ang look niya ang nagningnin­g sa show!

Suot ng 45 taong gulang na aktres ang kanyang royal blue gown na hapit sa kanyang flawless posture. Mayroon ding dramatic train ang dress na perfect para sa glamoroson­g photo ops.

Ibinida ng brunette beauty ang kanyang gown sa red carpet, sa rami ng magkakaiba­ng pose para sa litrato. Simple lang ang kanyang itsura – upang huwag maagaw ang atensiyon sa kanyang designer gown.

Bagsak lang ang kanyang buhok, terno ng kanyang deep side part at glowing makeup. Hindi rin nagpahuli si Rita Moreno, na muling isinuot ang kanyang Oscars gown noong 1962.

Noong 1962 ay nanalo si Moreno ng Best Supporting Actress sa Oscars para sa kanyang pagganap sa West Side Story, suot ang eleganteng itim at gold na boatneck gown, na likha ng Filipino designer na si Pitoy Moreno.

Kahapon, halos anim na dekada na ang nakalilipa­s, dumalo ang Hollywood icon sa 2018 Oscars suot ang naturang gown. Rumampa ang aktres sa 90th Annual Academy Awards na kagaya ng look niya noong 1962.

Ngunit may bahagya siyang binago sa disenyo ng gown, ginawa ni Moreno na strapless neckline ang dating mataas at boat neckline cut na dress. Suot din niya ang kaparehas na itim na satin opera length gloves. Tinernuhan din ng aktres ang kanyang ‘60s throwback look sa pagsusuot ng turban-style headband, collar necklace, at malaking hikaw.

Si Jane Fonda naman, 80, at agaw-pansin din sa hapit na puting gown na mayroong shoulder pads. Fan pa rin ang 1980s exercise icon ng bygone fashion trend, at ebidensiya nga ang puting gown na kanyang isinuot nitong Linggo sa Oscars.

Suot niya ang hapit na gown na hanggang pulso ang haba ng manggas, maikling train, at angular neckline. Ang kitangkita ay ang shoulder pads ng Balmain outfit, na paboritong style ni Fonda. Nakuha rin ni Lindsey

Vonn ang atensiyon ng madla sa kanyang sexy black gown. Kagagaling lamang sa 2018 Winter Olympics, dumalo ang propesyuna­l na skiier na si Lindsey Vonn sa ika-90 Annual Academy Awards at lutang-lutang sa kanyang sexy black gown na napapalamu­tian ng fringe, tulle, mesh, sparkles at iba pa.

Nakatali ang kanyang signature blonde na buhok, at may suot siyang diamond choker, at intense smokey eye ang make-up.

Sa kalalakiha­n naman, hindi lang ng mga dumalo ang nakapansin sa kakaibang porma ni Adam Rippon kundi pati na ang netizens.

Madalas nakikita si Adam Rippon sa yelo, suot ang figure- skating costume. Ngunit nitong Linggo, para sa selebrasyo­n, dumalo ang Olympian, na tumulong sa Team U.S.A. na makapagwag­i ng bronze, suot ang hindi gaano makintab na suot.

Napansin ang look ni Rippon suot ang kanyang itim na suit, at ang kakaibang balat na harness at ilang cutouts, na nagustuhan ng netizens.

Agad naging viral ang itsura niya sa Twitter, at komento ng netizens, na ang ensemble niya ay siyang simbolo ng “mood.”

 ??  ?? Jennifer
Jennifer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines