Balita

Oscar attendees, nagsuot ng Orange American Flag Pins

-

NAGSUOT

ang mga dumalo sa 2018 Academy Awards kahapon, sa ibabaw ng kanilang designer dresses at dapper tuxes, ng orange na American flag pin upang palaganapi­n ang kamalayan at mahalagang atensiyon kontra sa gun violence.

Ayon sa People, ilang bituin ang lumakad sa red carpet suot ang litaw na anti-gun violence pin mula sa Everytown para Gun Safety, na simbolo ng kanilang pagkakaisa, kasunod ng pamamaril sa eskuwelaha­n sa Parkland, Florida nitong nakaraang buwan.

Instrument­o ng Tinseltown ang fashion bilang isang uri ng protesta habang ginaganap ang gabi ng parangal, kasunod ito ng pagkakaisa ng mga bituin sa pagsusuot ng itim na damit sa Golden Globes at BAFTAs, pagdadala ng puting rosas sa Grammys at BRIT Awards, at siyempre, ang kanilang pagsusuot ng Time’s Up gear.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines