Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-89 na labas

- R.V. VILLANUEVA

NGINGITI

si Melanie habang nagiisip. Mas magaling si Manding lumalabas. Ang tagal nila ni Pedring, hindi sila nakabuo kahit kiti-kiti. Dito kay Manding, buo kaagad. Pero paano ngayong tiyak niyang kay Manding ang dala niya at hindi naman kay Pedring? Bahala na…bahala na! Noong gabing iyon, panauhin niya si Manding.

Pagkatapos ng ilang kung anuanong huntahan, lumingap-lingap si Manding at nang wala marahil makitang sino mang kasambahay, bumulong: “Lumabas tayo sa Linggo, mahal.”

Hindi siguro ako pwede sa Linggo, Manding.”

“Bakit naman?” Masama ang loob ni Manding. “No’ng isang araw… magkita lang tayo sa bukid, tumanggi ka.” Ilang araw iyong bago siya magpasuri sa doktora.

“Masama lang ang pakiramdam ko Manding.”

“Baka naman kuwan…baka naman ano….nakabuo na tayo!”

Para siyang minaso sa dibdib! Paano nalaman ng gagong ito?

Nakita marahil ni Manding ang pagkabahal­a sa kanyang mukha. “Baka buntis ka na!”

“A-ano naman ang magiging batayan mo, Manding?”

“Tingnan mo kasi, mahal.” Wala na yatang ingat ngayon ang pagsasalit­a ni Manding. “Noong isang araw… sabi mo, masama ang katawan mo. Ngayon, masama pa rin.” Masayangma­saya si Manding. “B-batayan ba ‘yon?” “Teka lang, mahal. Sa umaga ba, naduduwal ka?”

“B-baka naman masyadong maaga pa, Manding.” “Ang dalas natin, di ba?” “Baka ano…baka kuwan… baka lalagnatin lang ako. O baka tatrangkas­uhin lang ako.”

“Kelangan siguro’y dalhin kita sa doktor, mahal.”

“Hindi. Ayoko! Huwag!” Taranta siya sa pagtanggi.

“Kelangan mo ng doktor, Melanie.” Pangunguli­t ni Manding. “Kelangan ng naglilihi ang doktor.”

“Naglilihi kaagad?” Hindi niya itinago ang inis sa kanyang boses.

“Sabi ni Inang ko, may mga babae raw na oras na maglaman naglilihi kaagad. Saka, wala naman sigurong masama kung matingnan ka kaagad.”

“Huwag na lang muna, Manding…” Alam niyang kailangang makiusap muna siya. “Pag oras ng dating ng dalaw ko at hindi dumating, di saka nalang ako papatingin.”

Laking pasasalama­t ni Melanie nang hindi na magpilit si Manding.

“Ikaw nga nga lang ang bahala. Pero gusto ko, kung patitingin ka, mahal. Kasama ako.”

Napatango siya ng pilit at paungal na: “Oo… oo…”

At sinikap niyang ilipat sa kung anu-ano lang ang usapan nila ni Manding at naman naman niya.

Nang magpaalam si Manding, anito: “Sige. Pero teka, mahal. Kung payag ka, isasama ko na dito ang mga magulang ko.” “Ha? Bakit naman?” “O, e, para pag-usapan na ang kasal natin. Total, do’n din naman tayo pupunta. Sa mga ginawa natin, saan pa nga ba tayo pupunta kundi sa kasalan?”

“Naku, ayoko munang pumasok tayo sa pananaguta­n, Manding. Masyado pa tayong mga bata.”

“E, paano kung totoo na ‘yan? Hindi natin maitatago ‘yan.”

Hindi kumibo si Melanie. O hindi siya makakibo.

“Siguro nga, hindi naman tayo dapat na mag-apura. Gayon man, kailangan na nga marahil na maghanda-handa ako. Kahit na maubos ang kaunting naipupunda­r ko…masayang masaya pa rin ako.” Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines