Balita

UP booters, kumabig sa No.1

-

NAKATABLA ang University of the Philippine­s sa University of Santo Tomas, 1-1, para makopo ang No.1 ranking, habang sumegunda ang defending champion Ateneo matapos makuha ang 4-3 panalo sa Far Eastern University nitong Linggo sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Unang nakaiskor si B Borlongan sa ika-31 minuto para sa Fighting Maroons, ngunit nakabawi ang Growling Tigers mula kay Javier Bonoan sa ika-57 minuto.

Nanguna ang UP na may 17 puntos, habang bumagsak sa ikatlong puwesto ang UST na may 14 puntos.

Nanguna naman si reigning MVP Jarvey Gayoso sa hataw ng Ateneo para makopo ang kabuuang 15 puntos.

Sa iba pang laro, binokya ng University of the East ang Adamson University, 2-0, para makapantay sa National University sa ikaapat na puwesto na may 10 puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines