Balita

STL, bubuksan ng PCSO sa Camarines at Bohol

-

TUMATANGGA­P na ang Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) ng aplikasyon para sa nagnanais na mag-bid sa Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng Camarines Sur at Bohol.

Nilinaw naman ng PCSO na suspindido ang aplikasyon ng STL sa iba pang panig ng bansa.

Bukas ang aplikasyon sa nabanggit na lalawigan hanggang Marso 23, 2018.

Sinabi ni Alexander Balutan, PCSO General Manager, na napagpasya­han ng Board na kanselahin ang prangkisa ng Everchance Gaming Corporatio­n at PF3 Games and Entertainm­ent Corporatio­ns na mag-operate ng STL sa Camarines Sur at Bohol, matapos ang paglabag sa ‘implementi­ng rules and regulation­s’ ng ahensiya.

Sa mga interesado­ng bidder, magsumite lamang ng intention letter sa Office of the Assistant General Manager for Branch Operations (telephone no. 7067571 o mag email sa stl-smg@pcso.gov.ph) at magtungo sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyon­g City.

Sinabi ni Balutan na kaagad na aaksiyunan ng PCSO ang proseso ng bidding upang mapigilan ang mga illegal na operators na kumilos sa naturang mga lalawigan.

“When there’s no legal operator, illegal operators come in...When they take root, they will be more difficult to stop,” pahayag ni Balutan.

“Illegal gambling operators and their local government protectors are out to discredit the STL program of the PCSO, but we will not allow them to succeed,” aniya.

Sa kasalukuya­n, may 81 authorized Agent Corporatio­ns (ACCs) ang PCSO.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines