Balita

FEU at NU, kampeon sa UAAP 3X3

- Rafael Bandayrel

NANAIG ang Far Eastern University sa kauna-unahang UAAP Season 80 3X3 tournament nang pabagsakin ang University of the East, 21-13, sa finals nitong Linggo sa MOA Music Hall.

Sinandigan ni Wendell Comboy ang hataw ng Tamaraws sa natipang 11 puntos, habang tumipa si Richard Escoto ng limang puntos. Kabilang ang krusyal na opensa sa huling 2:06 ng laro.

Nag-ambag si Ken Tuffin ng apat na puntos, habang kumana si Michael John Casiño ng dalawang puntos para sa Morayta- based school.

Nanguna si Alvin Pasaol sa Red Warriors sa naiskor na 10 puntos.

Nakamit naman ng National University ang women’s diadem nang pabagsakin ang Adamson University, 15-6.

Ipinamalas ng Lady Bulldogs na binubuo nina UAAP Season 80 MVP Jack Danielle Animam, Annick Tiky, Ria Nabalan, at Afril Bernardino ang dominasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines