Balita

Final Four, asam ng SMB at Magnolia

Mga Laro Ngayon (MOA Arena) 4:30 n.h. -- San Miguel vs TNT Katropa 7:00 n.g. -- Magnolia vs Globalport

- Marivic Awitan RIO DELUVIO

MAKAMIT ang unang dalawang semifinals berth ang tatangkain­g ng top two teams San Miguel Beer at Magnolia sa magkahiwal­ay na laro ngayon sa pagpapatul­oy ng 2018 PBA Philippine Cup quarterfin­als sa MOA Arena sa Pasay City.

Makakatung­gali ng eliminatio­n topnotcher at defending champion Beermen ang sumaltang pangwalong koponan na TNT Katropa sa unang laban ganap na 4:30 ng hapon habang makakatapa­t namän ng second seed Hotshots ang No. 7 team Globalport ganap na ika-7:00 ng gabi.

Isang panalo lamang ang kailangan kapwa ng Hotshots at ng Beermen kontra sa kanikanila­ng katunggali dahil sa bitbit na insentibon­g twice-to-beat matapos pumuweston­g top 2 sa eliminatio­ns.

Kumpleto na ang roster sa pagbabalik mula sa injury ni Alex Cabagnot, kumpiyansa ang Beermen na mabibigyan ng magandang laban ang Katropa na galing naman sa ikalawang knockout match kontra Phoenix upang makahabol sa playoff round.

Naniniwala ang TNT na bagama’t nasa dehado silang sitwasyon ay may malaki pa rin silang pag-asa sa laban.

“I think may chance naman kami kasi lagi namin silang nakakalaba­n sa semis,” pahayag ng beteranong playmaker ng Katropa na si Jayson Castro.“So kailangan lang namin maexecute yung offense namin kasi defensivel­y maganda naman yung rotation namin.”

Sa tampok na laro, umaasa naman ang Batang Pier na mabibigyan din ng matinding laban ang tinagurian­g Manok ng Bayan sa pagbabalik ng kanilang ace guard at topgun na si Terrence Romeo.

Para sa Magnolia, paplanuhin nilang mabuti ang execution ng kanilang depensa na itinuturin­g nilang susi kung bakit sila umabot sa kasalukuya­ng estado.

 ??  ?? NAGHANAP ng mapapasaha­n si Jayson Castro ng Talk ‘N Text ang salubugin ng depensa ni William Wilson ng Phoenix sa kainitan ng kanilang laro nitong Linggo sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
NAGHANAP ng mapapasaha­n si Jayson Castro ng Talk ‘N Text ang salubugin ng depensa ni William Wilson ng Phoenix sa kainitan ng kanilang laro nitong Linggo sa PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines