Balita

Farenas, balik aksiyon sa laban sa Canada

-

BUBUHAYIN ni Filipino lightweigh­t Michael “Hammer Fist” Farenas ang nanamlay na boxing career sa pakikipagl­aban kay Mexican Guadalupe Rosales sa Abril 7 sa ‘Dekada Fight Night’ sa Gray Eagle Resort and Casino sa Calgary, Alberta, Canada.

Sinabi ni Farenas ( 42- 5- 4 34 KOs) na ang kanyang laban kontra Rosales (34-14 18 KOs) ay maglilikha ng ‘huling pag-aalaala para sa kanya sa larangan ng boksing. Huling lumaban ang Pinoy noong 2015.

“I am in good condition. Sabi nga nila, may asim pa raw ang angas ko,” bulalas ni Farenas na nageensayo sa Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Los Angeles kaagapay sina Marvin Somodio at Jesse Arevalo.

Pinasasala­matan niya ang Maykapal sa ipinagkaka­loob sa kanya ng lakas at tatag, sa kanyang pamilya bilang inspirasyo­n at kanyang manedyer Germaine Gillies para sa suporta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines