Balita

UMUPAK NA!

Stage three, kinuha ni Army-Bicycology top man Cris Joven

-

TUGUEGARAO CITY – Ibinigay ni Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology Shop ang pangakong panalo sa pinakamahi­rap na aspeto ng karera -- 223.5 km.Stage Three – ng 2018 LBC Ronda Pilipinas kahapon na nagsimula sa Pagudpud at natapos sa harap ng Kapitolyo ng pamosong lungsod dito.

Mula sa petiks na diskarte sa unang dalawang stage na pinagwagih­an ni Ronald Oranza ng Navy-Standard Insurance, kumawala sa peloton ang 30-anyos na si Joven at matikas na binagtas ang kahabaang ng kalsadahan ng Ilocos Sur at sa huling hatawan ay nagawang higitan ang lakas ni Ronnilan Quita ng Go for Gold Developmen­tal team at Leonel Dimaano ng Team Franzia para makuha ang panalo sa tyempong limang oras, 39 minuto at 45 segundo.

Naitala nina Quita at Dimaano ang parehong oras para makamit ang ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasun­od sa karera na may naghihinta­y na P1 milyon sa kampeon sa pagtataguy­od ng LBC sa pakikipagt­ulungan ng MVP Sports Foundation, Filinvest, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCyclin­g.

Bunsod ng panalo, lumundag mula sa ika-23 sa No.7 si Joven sa labanan sa individual race tangan ang kabuuang oras na 10:32:53, halos pitong minuto ang layo sa lider.

“Kausap ko yung isang photo journalist, biro ko sa kanya, paghandaan­g yung kuha ko sa finish line, gandahan niya ang kuha kasi ako ang mananalo. Nagdilang-anghel ako,” pahayag ni Joven, pumuwesto sa ikatlo sa overall sa nakalipas na season.

Kaagad na pinasalama­tan ng pambato ng Tobaco, Albay ang kanyang commandant sa Philippine Army na si Brigadier General Roy Devisa at Col. John Divinagrac­ia, gayundin ang kanilang ‘Godfather’ na si Olympian Eric Buhain at business partner John Garcia ng Bicycology Shop.

“Salamat po sa aming mga lider sa Army. Yung laban namin na ito, laban din at alay namin sa aming mga kasama na sumasabak sa laban, lalona sa Marawi City. Kudos din kay Boss Eric (Buhain) at John (Garcia) sa support sa amin para makapaghan­da rito,” pahayag ni Joven.

Napanatili naman ni Oranza ang kapit sa liderato kahit na tumapos ng ika-13 sa stage (5:40:28). Tangan niya ang kabuuang oras na 10:25:39, may limang minutong bentahe sa kasanggang Navyman Archie Cardana.

Mananatili sa kanya ang red jersey – simbolo ng liderato – sa pagratsada ng 135.2km Tuguegarao­Isabela Stage Four ngayon.

 ?? CAMILLE ANTE ?? TAAS ang kamay na nagbunyi si Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology Shop matapos tawirin ang finish line at angkinin ang Stage 3 ng 2018 LBC Ronda Pilipinas.
CAMILLE ANTE TAAS ang kamay na nagbunyi si Pfc. Cris Joven ng Philippine Army-Bicycology Shop matapos tawirin ang finish line at angkinin ang Stage 3 ng 2018 LBC Ronda Pilipinas.
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines