Balita

‘ Polls anomaly’ iimbestiga­han ng Comelec

- Mary Ann Santiago at Beth Camia

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na masusi nitong iimbestiga­han ang umano’y iregularid­ad sa May 2016 elections na ibinunyag ni Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Sinabi ni James Jimenez, tagapagsal­ita ng Comelec, na makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ng senador upang humingi ng mga dokumento na gagamiting batayan sa isasagawan­g pagsisiyas­at.

Aniya, desidido ang Comelec na alamin ang puno’t dulo ng mga naturang alegasyon.

Paliwanag pa ni Jimenez, mahalagang makuha ng Comelec ang mga dokumento para matukoy kung ano talaga ang tamang interpreta­siyon ng mga ito sa halip na gumawa agad ng konklusyon na batay lang sa alegasyon.

Idinugtong niya na ang mga vote counting machine (VCM) ay idinisenyo para lang basahin ang mga aktuwal na balota na ginamit ng mga botante sa mismong araw ng pagboto at pagbabatay­an naman sa pagbibilan­g ng mga boto.

Nais ng Comelec na pagpaliwan­agin umano ang Smartmatic, na siyang nagsupply ng VCM na ginamit noong 2016 elections, hinggil sa naturang isyu.

Siniguro naman ni Jimenez na hindi makakaapek­to ang kontrobers­iya sa paghahanda ng Comelec sa Barangay at Sanggunian­g Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Matatandaa­ng ibinunyag ni Sotto sa kanyang privilege speech na base umano sa kanyang impormante, isang araw bago ang May 9, 2016 elections ay may mga boto nang nai-transmit mula sa Libon, Albay at Angono, Rizal.

Dumistansi­ya naman ang Malacañang sa naging talumpati ni Sotto.

Inihayag ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na bahala na sa isyu ang Comelec dahil ito ang may hurisdiksi­yon at kapangyari­han para busisiin ang mga inilabas na impormasyo­n ni Sotto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines