Balita

Bank accounts ko, sige buksan n’yo –Duterte

- Genalyn D. Kabiling

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang kanyang mga bank account sa anti-corruption probers, ngunit hindi sa kanyang mga kalaban para maiwasan ang “fishing expedition.”

Sa panunumpa ng mga opisyal ng Presidenti­al Anti-Corruption Commission (PACC) sa Malacañang nitong Martes, sinabi ng Pangulo na bibigyan niya ng awtorisasy­on ang bagong ahensiya upang silipin ang kanyang bank records para mabura ang mga espekulasy­on na mayroon siyang hindi maipaliwan­ag na yaman.

Iginiit ni Duterte na ang kanyang yaman ay hindi lalagpas sa P40 milyon, at bababa siya sa puwesto kapag napatunaya­n na siya ay nagsisinun­galing.

“You want to know my bank accounts? I’ll give it to you, right now. Walang biro. I will not take it against you,” sinabi ng Pangulo sa mga opisyal ng PACC officials sa pamumuno ni Dante Jimenez.

“Anytime, I will give you the authority, honestly, wala kayong makuha. If it exceeds 40 million, kasali ko na ang inheritanc­e ko noon, magsobra diyan, I step down,” aniya.

Gayunman, tumanggi ang Pangulo na pahintulut­an ang mga kalaban niya sa politika na silipin ang kanyang financial accounts.

“Pero ikaw kalaban ko sa politika, if you want evidence, do not get it from my mouth or make me do the effort…You go to hell,” aniya.

Inaakusaha­n ni Senator Antonio Trillanes IV si Duterte na mayroong mahigit isang bilyong pera sa bangko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines