Balita

Trump kinasuhan ng porn star

-

LOS ANGELES (AP) – Isang porn star na nagsabing nakatalik niya si President Donald Trump ang naghain ng kaso nitong Martes na humihiling na ipawalang-bisa ang nondisclos­ure agreement na nilagdaan niya ilang araw bago ang 2016 presidenti­al election, na pumigil sa kanyang pag-usapan ang diumano’y sexual encounters.

Nakasaad sa reklamo, inihain sa Los Angeles County Superior Court, na ang kasunduan ay ``null and void and of no consequenc­e’’ dahil hindi ito personal na nilagdaan ni Trump.

Sinabi ng adult film actress na si Stormy Daniels, ang tunay na pangalan ay Stephanie Clifford, na nais niyang idetalye sa publiko ang kanyang diumano’y sexual relationsh­ip kay Trump, nakasaad sa reklamo.

Nilagdaan ni Clifford at ng abogado ni Trump na si Michael Cohen ang nondisclos­ure agreement noong Oktbubre 28, 2016.

Iginiit sa reklamo na ang ``hush agreement’’ ay imbalido dahil nilagdaan lamang ito nina Clifford at Cohen. Tinutukoy sa kasunduan si Trump bilang David Dennison at si Clifford bilang Peggy Peterson, ngunit nakadetaly­e sa attached exhibit ang kanilang tunay na pagkakilan­lan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines