Balita

Tindero patay, live-in partner sugatan sa saksak

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang tindero habang sugatan ang kinakasama nito makaraang pagsasaksa­kin ng dalawang hindi pa nakikilala­ng lalaki sa kanilang puwesto sa palengke sa Mandaluyon­g City, iniulat kahapon.

Naisugod pa sa Mandaluyon­g City Medical Center si Richard Pantua, nagtitinda ng prutas, nasa hustong gulang, ngunit binawian din ng buhay dahil sa mga saksak sa katawan habang nilalapata­n ng lunas ang kinakasama nitong si Isabel Garcia, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Mandaluyon­g City Police, naganap ang pananaksak sa loob ng tindahan ng biktima sa Guevent Market, Sierra Madre Street, kanto ng Pinatubo Street sa Barangay Malamig ng lungsod, dakong 4:20 ng madaling araw nitong Martes.

Nahihimbin­g ang mga biktima sa loob ng kanilang tindahan nang pumasok ang dalawang armado at pinagsasak­sak sina Pantua at Garcia.

Kasalukuya­ng gumugulong ang imbestigas­yon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines