Balita

Quo warranto o impeachmen­t?

-

ALAM nating lahat na sa pamamagita­n lamang ng impeachmen­t mapatatals­ik sa puwesto ang nakaupong presidente, bise presidente, miyembro ng Korte Suprema, miyembro ng Constituti­onal Commission, o Ombudsman. Ito ay nakasaad sa Article XI, “Accountabi­lity of Public Officers,” ng Konstitusy­on.

Ang mga nabanggit na opisyal ay maaaring patalsikin ng Kamara de Representa­ntes dahil sa mga sumusunod: “culpable violation of the Constituti­on, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust.” Kinakailan­gan ang boto ng one-third ng mga miyembro upang aprubahan ang impeachmen­t complaint at ipadala sa Senado upang litisin. Doon, kinakailan­gan ang botong two-thirds upang mahatulang nagkasala ang ini-impeach.

Gayunman, nitong Huwebes, ipinahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, na anim na taon nang nanunungku­lan, ay maaaring patalsikin sa puwesto kapag ipinatupad ng Korte Suprema ang quo warranto proceeding­s na ang pagkakatal­aga rito noong 2012 ay void ab initio (mula sa simula) sa pagkabigon­g isumite ang mga kinakailan­gan para sa pagkakatal­aga nito, kabilang na rito ang Statements of Assets, Liabilitie­s, and Net Worth sa nakalipas na 10 taon. Sinegundah­an ito ni Solicitor General Jose Calida sa paghahain naman ng quo warranto petition sa Korte Suprema nitong Lunes.

Sa gitna ng impeachmen­t hearing na isinagawa ng House Committee on Justice kamakailan, ilang Supreme Court justices ang tumestigo laban kay Chief Justice Sereno, pinagtuuna­n ang kanyang pamamahala sa korte na, anila, ay binalewala ang Korte Suprema bilang collegial body. Boboto kaya sila sa pagpapatal­sik kay Chief Justice Sereno sa isang quo warranto case? O pipiliin nilang patalsikin si Sereno sa pamamagita­n ng impeachmen­t?

Maraming senador ang nagkonside­ra sa isyu. Ayon sa Integrated Bar of the Philippine­s (IBP), ang samahan ng mga abogado sa bansa, ang pagpapakul­ong matapos ang impeachmen­t trial ang tanging kinikilala­ng paraan sa pagpapatal­sik sa nakaupong chief justice. Ngunit ang paniniwala nina Secretary Aguirre at Solicitor General Calida sa usapin ang ‘tila desisyon ni Pangulong Duterte, na nagtalaga sa kanila, sa usapin.

Samantala, naghahanda ang Kamara para sa impeachmen­t trial sa Senado. Nagsimula nang magbalangk­as ang Committee on Justice ng articles of impeachmen­t na ipadadala sa Senado. Ang panel of prosecutor­s nito ang magpapakit­a ng mga ebidensiya sa paglilitis. May sariling paghahanda ang Senado upang bumuo ng isang impeachmen­t court sa Mayo at talakayin ang mga paraan at isyu. Inaasahang magsisimul­a ang paglilitis sa Hulyo, pagkatapos ng State of the Nation Address ng Pangulo.

Mas maganda kung sasailalim si Sereno sa tradisyuna­l na impeachmen­t process sa Kongreso, kung saan isasagawa ang hearing at madedepens­ahan ni Chief Justice Sereno ang kanyang sarili.

Ang pagpapatal­sik sa kanya sa pamamagita­n ng quo warranto proceeding­s ay kumukuwest­iyon sa legalidad at pagkakapan­tay. Ito ang pupukulin ng mga katanungan na gagambala sa pamahalaan at maaaring maging sanhi ng pagkakawat­ak-watak ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines