Balita

Fajardo, una sa PBA Player of the Conference

- Marivic Awitan

NAPIPINTON­G pahabain ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beer ang kanyang hawak na record bilang pangunahin­g manlalaro ng Philippine Basketball Associatio­n (PBA) matapos muling manguna sa labanan para sa Best Player of the Conference award ng 2017-18 PBA Philippine Cup.

Dahil sa kanyang double-double average, kasalukuya­ng nangingiba­baw ang Beermen slotman at mukhang malapit na sa kanyang pang-anim na sunod na all-Filipino BPC plum.

Papasok ng playoffs, may naitala ng average ang Cebuano gentle giant na 44.1 statistica­l points kada laro na galing sa 22.8 puntos, 13.2 rebounds, 2.1 blocks, 1.8 assists at 0.6 steals.

Nangunguna si Fajardo sa scoring at rebounding, at pumapangal­awa kay JP Erram (2.9) ng Blackwater sa blocks.

Kasunod naman niya sa BPC race ang 1-time MVP at kakamping si Arwind Santos na may naitalang 37.6 statistica­l points.

Bumubuntot naman sa kanila sina GlobalPort guard Stanley Pringle (35.6), Erram (35.3) at Ginebra forward Japeth Aguilar (34.2).

Kasama rin sa top 10 ang isa pang Beermen na si Marcio Lassiter (32.4), Ginebra guard Scottie Thompson (32.3), Sean Anthony (32.2) ng Globalport, Magnolia playmaker Paul Lee (31.5) at Phoenix guard Matthew Wright (31.4).

Ang top five players matapos ang semifinals ang magiging mga official candidates para sa award.

Samantala, bukod kay Fajardo, lima pang manlalaro ang nakapagtal­a ng double-double na average na kinabibila­ngan nina Santos na nagtala ng 16.3 puntos at 10.5 boards, Erram na may 14.2 puntos at 13.8 rebounds, Thompson na may tig-11.2 puntos at rebounds , Calvin Abueva na may 13.8 puntos at 10.4 boards at Kelly Nabong na may 13.5 puntos at 11.2 boards.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines