Balita

Winning streak, hihilahin ng Ateneo booters

-

Laro Ngayon (Rizal Memorial Stadium) 8 n.u. -- AdU vs DLSU (Men) 2 n.h. -- UE vs FEU (Men) 4 n.h. -- Ateneo vs NU (Men)

TARGET ng defending champion Ateneo ang ikaapat na sunod na panalo sa pakikipagt­uos sa National University sa pagsisimul­a ng ikalawang round ng UAAP Season 80 men’s football tournament ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon.

Sa iba pang laro, magtutuos ang University of the East at Far Eastern University sa 2:00 ng hapon, habang magkakasub­ukan ang De La Salle at Adamson University sa 8:00 ng umaga.

Tangan ang 15 puntos, nasas ikalawang puwesto ang Ateneo sa likod ng nangunguna­ng University of the Philippine­s.

Huling umarya ang Eagles laban sa bokyang Adamson, 2-0, gayundin sa FEU, 4-3.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines