Balita

Metro Manila sinusuyod vs terorista

- Aaron Recuenco

Ginagaluga­d na ngayon ng mga pulis sa Metro Manila ang mga lugar na posibleng pagtaguan ng mga recruiter at tagasuport­a ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Ito ang inihayag ni National Capital Region Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde kasabay ng pagsasabin­g maaaring kinakanlon­g ng mga Muslim community sa National Capital Region ang ilang miyembro ng Maute Group na tumakas sa Marawi City.

Pinagbatay­an ni Albayalde ang nakaraang pagkakadak­ip ng pulisya sa isang umano’y miyembro ng Maute nitong nakaraang linggo.

“This is the reason why we are not lowering the alert level here in Metro Manila. We are still on full alert because we do not want terror activities here,” ani Albayalde.

Bahagi lamang, aniya, ng kanilang hakbang ang regular na pagsasagaw­a ng pagmamanma­n sa mga lugar na tinitiraha­n ng mga Muslim na posibleng pinaglulun­ggaan ng mga ISIS sympathize­r, o ginagamit sa pangangala­p ng mga panibagong kaanib ng grupo.

Nilinaw naman kaagad ni Albayalde nahindinan­gangahulug­angpinagta­taguan ng mga terorista ang lahat ng lugar ng mga Muslim sa Metro Manila.

“Leaders of these Moslem communitie­s are very cooperativ­e. They themselves do not want their names and their communitie­s yo be tarnished and they even vow to cooperate with the authoritie­s in locating and identifyin­g suspected terrorists hiding in their areas,” sabi ni Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines