Balita

Boracay isasailali­m sa state of calamity

- Ni BETH CAMIA May ulat nina Tara Yap at Leslie Ann Aquino

Magdedekla­ra si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa Boracay Island bunsod ng lumalalang environmen­tal problem sa lugar.

Inaasahan na umano ng Pangulo ang malaking bilang ng mga pamilyang maaapektuh­an sa pagpapatup­ad ng batas, partikular na ang Forest Land for Tourism Purposes.

Pinanganga­mbahan din ng Punong Ehekutibo ang pagpapasar­a sa mga negosyo sa Boracay dulot na rin ng kontrobers­iya.

Nanawagan din ang Pangulo sa hukuman, partikular na sa Regional Trial Court, na huwag sumawsaw sa problema sa Boracay sa pag-iisyu ng temporary restrainin­g order (TRO) laban sa anumang hakbangin ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR).

Gagamitin din, aniya, ng pamahalaan ang calamity fund para matulungan ang mga maaapektuh­an sa pagpapatup­ad ng batas.

Nilinaw din ng Pangulo na ipauubaya na lamang niya kay Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang pagdedesis­yon sa usapin.

Kaugnay nito, inaasahan nang magreresul­ta sa pagdami ng mawawalan ng trabaho sa Western Visayas ang planong pansamanta­lang isara ang Boracay.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Labor and Employment (DoLE), tataas ng 5.6 porsiyento—mula sa 3.2% noong 2016—ang mawawalan ng trabaho ngayong taon.

“Boracay’s possible closure can contribute to the region’s unemployme­nt problem,” paliwanag ni Atty. Johnson Cañete, director ng DoLE-Region 6.

Sa nakaraang pagdinig sa Senado, ibinunyag ng business group na Boracay Foundation Inc. na aabot sa 90,000 mangagagaw­a ang mawawalan ng trabaho o pagkakakit­aan, bagamat sa listahan ng pamahalaan­g bayan ng Malay ay nasa 17,735 ang registered worker sa isla.

Tiniyak naman ng DoLE na magbibigay ito ng emergency employment assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa Boracay, at sinabi ni Undersecre­tary Joel Maglunsod na isasabak nila sa clean-up operations ang mga pansamanta­lang mawawalan ng kita sa tourist destinatio­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines