Balita

Pulis, 2 pa, timbog sa buy-bust

- Mary Ann Santiago

Isang pulis at dalawang iba pa ang inaresto sa buy-bust operation sa Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director, Chief Supt. Reynaldo Biay ang mga inaresto na sina PO1 Adrian Patrick Pinalas, 29, nakatalaga sa District Public Safety Batallion (DPSB) ng Quezon City Police District (QCPD) Administra­tive Section, residente ng Block 55, Lot 42, Noche Buena Street, Lagro, Quezon City; Christian Gayl Villanueva Pangilinan, 32, ng 119 J Libya Extension, Barangay Nangka; at Jenalyn De Luna Jeriza, 25, tubong Sampaloc City.

Sa ulat ni PO2 Mark Vic Viloria, ng Marikina City Police, inaresto ang mga suspek sa bahay ni Pangilinan, dakong 12:10 ng madaling araw.

Unang nakatangga­p ng impormasyo­n ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek at ikinasa ang operasyon laban sa mga ito.

Agad dinakip ang mga suspek matapos makumpiska­han ng limang pakete ng hinihinala­ng shabu at P1,000 buy-bust money.

Kasalukuya­ng nakakulong ang mga suspek sa Marikina Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines