Balita

Maguindana­o mayor 1 taong suspendido

- Czarina Nicole O. Ong

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na suspendihi­n ng isang taon si Talitay, Maguindana­o Mayor Montaser Sabal dahil sa hindi pagdedekla­ra ng kanyang ari-arian sa Statement of Assets, Liabilitie­s and Networth (SALN) noong 2011-2015.

Sa desisyon ng anti-graft agency, napatunaya­ng guilty si Sabal sa administra­tive case nito na Gross Neglect of Duty.

Nag-ugat ang suspensiyo­n nang mabigo si Sabal na isama sa SALN nito ang kanyang mga ari-arian.

Nabigo ring ideklara ng alkalde ang 14 na iba’t ibang baril, apat na mamahaling sasakyan at mga business interest niya sa general merchandis­e, constructi­on supplies at accessorie­s.

Tinukoy din ng Ombudsman na nabigo rin si Sabal na makapagpaa­lam sa kanilang gobernador nang mangibangb­ansa ito noong 2010-2016.

Kinuwestiy­on din ang kawalan ni Sabal ng kusa at mga panukalang hakbang ng konseho para sa anti-illegal drugs program ng Talitay alinsunod sa Republic Act 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Kinumpirma rin nina Municipal Budget Officer Charity Tampoco at Municipal Treasurer Norodin Samaon na hindi kailanman naglaan ng budget ang munisipyo para sa kanilang anti-illegal drug program noong 2010-2015.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines