Balita

Vice Ganda, napikon sa writers

- Ni JIMI ESCALA

NAP NAPIKON si Vice Ganda sa writers ng It’s Showtime. Ito ang binanggit sa amin ng isa sa mga staff ng noontime show ng ABS-CBN.

Mali raw kasi ang isinulat ng writer na spiel ng show sa Manila paper na binasa mismo ni Vice Ganda. Sampung piso raw ang nakalagay sa Manila paper na presyo ng isang kilong manok na ibinebenta ng contestant sa “Tawag ng Tanghalan”.

“Meron bang sampung piso ang kilo ng isang manok? ‘Yun pala sampung piso ang kinikita ng contestant sa bawat kilo na maibenta niyang manok,” sey ng source namin.

Agad naman daw itong nilinaw ni Vice sa contestant, pero hindi na maitago ang pagkairita ni Vice nang banggitin niyang, “Ah, mali na naman. Ilang beses n’yo na kaming ipinahamak dito, mga writers?”

Kaya kinuha ni Vice sa may hawak ng Manila paper at dinala sa stage para maipaalam sa mga manonood na hindi sa kanya ang pagkakamal­i.

“Nanggigil ako talaga, eh. Lahat ng sinasabi namin, mali, eh,” dagdag na sabi pa ni Vice.

Binasa uli ni Vice at ng cohost na si Amy Perez ang spiel sa Manila paper at nakalagay nga namang, ‘nagtitinda ng manok, 10 piso per kilo’. Sabay tanong sa contestant: “Sino ang nagsasabi ng kasinungal­ingan, ikaw o ang aming mga manunulat?”

Agad nagpaliwan­ag ang contestant na baka mali ang pagkakaint­indi niya sa tanong ng writers kaya mali rin ang naisulat na info tungkol sa kanya.

“So, walang katotohana­n ito!” pasigaw na sabi ni Vice.

Samantala, agad namang nagpatawag ng meeting ng writers ang management.

 ??  ??
 ??  ?? Vice
Vice

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines