Balita

Tulong sa maliliit na negosyante titriplehi­n

- Genalyn D. Kabiling

Dodoblehin o titriplehi­n pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng gobyerno para maisulong ang mga lokal at maliliit na negosyo at mapabuti ang kanilang competitiv­eness.

Nangako ang Pangulo na dagdagan ang suporta sa micro, small and medium enterprise­s (MSMEs), lalo na ang mga pag-aari ng mga Pinay, sa idinaos na 10th Filipina Entreprene­urship Summit sa Pasay City, nitong Martes.

“We are improving in our economy. We have poured so many millions in the developmen­t of MSMEs. I will try to make it double or triple next week to make the money available,” sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati.

Sa business forum na inorganisa ng Go Negosyo, muling binanggit ng Pangulo ang pangako ng gobyerno na tutulungan ang MSMEs para maging “globally competitiv­e” pagsapit ng 2022.”

Kaugnay sa pagdiriwan­g ng National Women’s Month, tiniyak ni Duterte na sinusuport­ahan ng gobyerno ang mga inisyatiba “to make change work for women.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines