Balita

Garin, Abad lilinawin ang BHS program

- Bert De Guzman

Nagpasiya ang mga kasapi ng House Committee on Good Government and Public Accountabi­lity na imbitahan sina ex- Health Secretary Janette Garin at ex- Budget Secretary Florencio Abad sa susunod na pagdinig upang liwanagin ang tungkol sa pondo at implementa­syon ng Barangay Health Stations (BHS) ng Department of Health (DoH) noong 2015, na nagkakahal­aga ng P9.3 billion.

Nagsasagaw­a ang komite ng imbestigas­yon batay sa House Resolution 360 upang alamin kung aling ahensiya ang dapat magpatupad ng BHS na ayon sa mga ulat ay hindi pa tapos ang mga konstruksi­yon.

“In evaluating which is more competent to implement the BHS constructi­on, it would be wiser to give the task to the Department of Public Works and Highways,” ani Rep. Estrellita Suansing, chairman ng komite.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines