Balita

BlackBerry kinasuhan ang Facebook sa app

-

OTTAWA (AFP) – Kinasuhan ng Canadian telecommun­ications firm na BlackBerry ang Facebook nitong Martes, inakusahan ang American social media company na nilabag ang patents nito sa messaging apps.

Nag-claim ang BlackBerry ng infringeme­nt sa patents nito para sa message encryption at notificati­ons, at humihiling ng injunction at damages para sa mga nawalang kita, ngunit walang ibinigay na figure.

Pinangalan­ang defendants sa asunto ang Facebook at ang mga serbisyo nitong Instagram at WhatsApp. Sinabi ng kumpanya na lalabanan nito ang kaso.

“We have a lot of respect for Facebook and the value they’ve placed on messaging capabiliti­es, some of which were invented by BlackBerry,” ipinahayag ni BlackBerry spokeswoma­n Sarah McKinney.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines