Balita

Lassa fever outbreak, 78 namatay sa Nigeria

-

LAGOS (CNN) – Umabot na sa 78 katao ang kumpirmado­ng namatay at 353 ang nahawaan ng “unpreceden­ted” outbreak ng Lassa fever sa Nigeria, ayon sa Nigeria Centre for Disease Control.

May karagdagan­g 766 ang pinaghihin­alaang nahawaan, at 3,126 contacts ang natukoy at binabantay­an.

Ang lassa fever, acute viral hemorrhagi­c illness, ay endemic sa halos buong West Africa, lalo na sa Nigeria, kung saan ito nadiskubre noong 1969. Ang mga sintomas nito ay maaaring mild o severe, kabilang ang pagdurugo ng gilagid, mata o ilong.

Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, naisasalin ang sakit sa tao sa pamamagita­n ng paghawak sa pagkain o bagay na kontaminad­o .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines